5/23/2019

TUGUEGARAO CITY-Hindi pa rin umano maganda ang estado ng Pilipinas sa Community to Protect Journalist Global Index.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Undersecretary Joel Sy Egco,nasa ikalimang pwesto ang Pilipinas ngayong 2019 mula sa ikalawa noong 2008 hanggang 2019 na nangangahulugan na isa pa rin ang bansa sa pinakadelikadong lugar para sa mga mamamahayag.

Subalit sinabi ni Egco na batay sa kanilang pananaliklik hindi lahat ng mga pinatay na journalist ay may kaugnayan sa kanilang trabaho.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya,ang layunin umano ng ilang pagpatay sa mga mamamahayag ay para pahiyain ang bansa sa International Community.

Kasabay nito, sinabi ni Egco na tinutugunan ng pamahalaan ang mga kaso ng media killings sa bansa sa pamamagitan ng binuong Presidential Tark Force on Media Security.