
Nakatakdang ilipat sa Italy sa Miyerkoles ang isang teenager na Pilipino na nasugatan sa sunog sa ski resort sa Switzerland.
Ililipad ng helicopter si Kean Kaizer Talingdan mula Zurich, ayon sa kanyang ina na si Kristal Talingdan.
Dadalhin siya sa Ospedale Niguarda matapos na makakuha ng clearance mula sa medical team.
Naka-confine si Kean sa ospital sa Zurich matapos na masugatan sa sunog sa Crans-Montana, Switzerland, habang kasalukuyan ang New Year’s Eve celebration.
Ililipat siya sa Italy kasama ang kaklase na nasugatan din sa nasabing insidente.
Dadalhin sila sa burn center sa Ospedale Niguarda, kung saan siyam na iba pang mga biktima ng sunog sa Le Constellation ang kasalukuyang ginagamot.
Dahil sa matinding sugat, nakumpirma lamang ang pagkakakilanlan ni Kean matapos ang tatlong araw sa pamamagitan ng DNA testing.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang ina ni Kean sa pamahalaan ng Italy.
Sa kabila ng seryosong kundisyon, inaprobahan ng mga doktor sa Zurich ang paglipat ng dalawang pasyente sa Milan para sa karagdagang medical attention.
Patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang kundisyon ni Kean, habang kasalukuyan ang ginagawang imbestigasyon sa sanhi ng sunog na nag-iwan ng maraming namatay at nasugatan.










