
Pumanaw na ang Asia’s Queen of Songs, Pilita Corrales sa edad na 85.
Kinumpirma ito ng kanyang apo na si actress Janine Gutierrez sa kanyang instagram.
Sinabi ni Gutierrez na ihahayag nila sa susunod na mga araw ng mga detalye sa memorial servicesm, kasabay ng paghingi ng panalangin para sa kanyang lola.
Inulila ni Corrales ang kanyang anak na si actress Jackie Lou Blanco at anak na lalaki na si Ramon “Monching” Christopher Gutierrez.
Si Corrales na kilala sa kanyang kakaibang vocal style at kanyang signature ‘backbend”, ang nagpasikat sa mga awiting
“Kapantay ay Langit,” “A Million Thanks to You” and “Dahil Sa’yo,” at maraming iba pa.
Bukod sa kanyang makulay na musical career, naging mainstay din siya sa Philippine television, kung saan naging co-host siya ng “An Evening with Pilita” at naging hurado sa talent shows tulad ng “Philippine Idol.”
Lumabas din siya sa maraming pelikula kasama ang pumanaw na sina Fernando Poe Jr. at Dolphy.