TUGUEGARAO CITY – Patuloy ang isinasagawang manhunt operation ng kasundaluhan sa mga miembro ng New Peoples Army (NPA) na kanilang nakasagupa sa Brgy Ara, Benito Soliven, Isbela.
Ayon kay M/Gen Pablo Lorenzo, commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army, nasa 20 NPA na miembro ng Regional Centro De Gradibidad, ang pinakamalakas umano na grupo ng NPA sa Cagayan Valley ang nakasagupa ng mga miembro ng 95th IB sa nasabing lugar na tumagal hanggang 30 minuto.
Aniya, nagkaroon ng aktibidad ang kasundaluhan sa barangay Ara nang maiparating sakanilang hanay ang pagkakaroon ng pansamantalang kampo ng mga NPA sa bulubunduking bahagi ng nasabing barangay.
Dahil dito ay agad na nagsagawa ng operasyon ang kasundaluhan at dito nagkaroon ng sagupaan.
Sinabi ni Lorenzo na maaring tinamaan ang ilan sa mga miembro ng Npa dahil sa nakitang bakas ng dugo sa lugar.
Nakuha ang isang m14, dalawang baby armalite, iba’t-ibang klase ng bala at mga kagamitan ng mga NPA.
Nagtamo rin ng sugat ang dalawang miembro ng kasundaluhan matapos tamaan ng shrapnel , na sa ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan.