Nagtulong-tulong ang “big food” enthusiast na si Matthew Williams at ang isang charity group upang lutuin ang record-breaking na rocky road sa England kung saan naitalang bagong Guinness World Record sa pinakamalaking rocky road sa mundo.

Ang higanteng tipak ng rocky road ay binuo ng 96 kilogram ng biscuits, 44 kg ng butter, 46 kg ng marshmallows, 95 kg ng chocolate, 23 kg ng cherries at 36 kg ng golden syrup

Ito ay may bigat na 334.23 kg, at may habang 3.1 meter, lapad na 1 meter at kapal na 0.14 meter.

Bago ito, inabot ang grupo ng anim na buwan na pagpaplano bago niluto ang rocky road.

Kailangan daw kasi nilang piliin ang mga tamang kagamitan at sangkap dahil ibebenta rin nila ang rocky road sa publiko kapag nakumpirma nang nakuha na nila ang world record.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinagmamalaki naman ni Matthew na sa kabila ng pagiging pito lang nila sa grupo, nahigitan nila ang dating world record, na isang tipak ng rocky road na nasa 261 kilos ang timbang at ginawa ng 16 katao sa isang factory.