Inilagay sa ilalim ng blue o heightened alert ng Cordillera Regional Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) ang buong rehiyon simula Agosto 1 dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue.
Sa pinakahuling ulat ng surveillance ng Department of Health (DOH) – Center for Health Development, ang CRDRRMC Memorandum 93-2024 ay nagtala ng 728 karagdagang kaso noong Hulyo 21 hanggang 27.
Sa ngayon, mayroong 9,387 kabuuang kaso, na may 19 na pagkamatay.
Sa kabuuan, 96 porsiyento ng mga pasyente ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) habang 4 na porsiyento ay mula sa ibang rehiyon na inaasikaso sa mga ospital ng CAR.
Tumaas ang kabuuang mga kaso hanggang ngayon ng 166 porsyento mula sa 3,531 na mga kaso na may limang pagkamatay sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sa ilalim ng blue alert, ang pagsubaybay at babala, bio-surveillance, at paghahanda para sa pagtugon, kasama ang pinag-isang aksyon at hakbang laban sa dengue at iba pang mga sakit na dala ng lamok, ay ilalagay.
Kailangan din magsumite ng regular preparedness measures ang provincial at municipal DRRM councils at mga ulat ng sitwasyon para sa pagsasama-sama at pag-uulat sa pambansang DRRMC.
Sinabi ni Karen Lonogan, Development Management Officer IV at head ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit, na hindi mahalaga kung ang mga lamok na dumarami sa stagnant water ay nagdudulot ng dengue at iba pang sakit o hindi.
Ang importante aniya ay mawala ang lamok.
Pinayuhan din ni Lonogan ang mga magulang na suotan ang kanilang mga anak ng long sleeves at long pants o medyas upang maiwasan na makagat ng lamok habang nasa eskuwelahan.