Patay si Faujah Singh ng India, ang pinaniniwalaan na pinakamatandang distance runner sa mundo sa edad na 114 matapos ang aksidente sa lansangan.
Sinabi ni Khushwant Singh, ang biographer ni Singh na binansagang “Turbaned Tornado”, ay namatay matapos na mabangga ng sasakyan sa Punjab state sa Jaladhar district noong Lunes.
Ayon sa biographer, nabangga ng sasakyan si Singh habang tumatawid siya sa kalsada sa kanilang barangay sa Bias.
Walang birth certificate si Singh subalit sinabi ng kanyang pamilya na ipinanganak siya noong April 1, 1911.
Naging international sensation si Singh matapos na simulan ang distance running sa edad na 89, matapos ang pagkamatay ng kanyang asawa at isa sa kanyang mga anak na lalaki, at na-inspire siya sa mga napapanood niyang marathon sa telebisyon.
Bagamat kinikilala siya na pinakamatandang marathon runner, hindi ito sinertipikahan ng Guinness World Records dahil sa hindi niya mapatunayan ang kanyang edad, kung saan sinabi na walang birth certificate nang ipanganak siya sa ilalim ng British colonial rule noong 1911.
Naging torchbearer si Singh para sa Olympics sa Athens noong 2004 at London noong 2012, at nakasama niya sa advertisement sina sports stars David Beckham at Muhammad Ali.
Ang kanyang lakas at sigla ay iniuugnay sa kanyang paglalakad araw-araw sa bukid at sa kanyang diet kabilang ang matamis na “laddu” na may kasamang dry fruits at homemade na keso.
Nagbigay pugay si Indian Prime Minister Narendra Modi kay Singh sa social media.
Sinabi ni Modi na isang extraordinary si Singh dahil sa kanyang kakaibang persona at ang kanyang ginawa para maging inspirasyon ng mga kabataan sa India sa pinakamahalang usapin ng fitness.
Idinagdag pa ni Modi na isang kahanga-hanga na atleta na may hindi matatawaran na determinasyon si Singh.