Nadiskubre ng tatlong mangingisda ang tatlong pakete ng hinihinalang iligal na droga sa baybayin ng Sitio Birao, Barangay Dilam, Calayan, Cagayan.

Sa ulat ng Cagayan Police Provincial Office, nakasilid sa tatlong itim na plastic packs na may markang “COCA RACING,” ang pinaniniwalaang iligal na droga nang makita sa dagat ng mga mangingisda.

Matapos matanggap ang ulat ay agad namang nagtungo sa lugar ang pulisya at kinumpirmang ito nga ay mga pinaghihinalaang ilegal na droga.

Ang mga ito ay isasailalim pa sa masusing pagsusuri habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng mga nakuhang pakete

Pinuri naman ni Cagayan Police Provincial Director PCOL Mardito Anguluan ang mabilis na pag-uulat ng mga kontrabando sa pulisya.

-- ADVERTISEMENT --