Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may isang Pinay ang kabilang sa nasawi dahil sa matinding init matapos na dumalo sa Hajj pilgrimage sa Saudi Arabia.

Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega, na isang 37-anyos na babae na nakabase na sa Riyadh ang nasawi noong Hunyo 16.

Agad naman na itong naiburol matapos ang ilang araw kung saan kabilang siya sa halos 500 na nasawi na dumalo sa Hajj Pilgrims.

Nagpadala na rin ang DFA ng mga tao sa Philippine Embassy sa Saudi Arabia para tulungan ang mga Filipino ngayonn sa Hajj pilgrimage.