Gumagamit ang fire crews na nagsasagawa ng pag-apula ng wildfires sa California ng pula at pink powder na inihuhulog sa pamamagitan ng air tankers sa Los Angeles.
Ang nakakapukaw ng atensiyon na substance – fire retardant – ay karaniwan na nakikita na sa Los Angeles, kung saan tinatakpan ang mga kalsada, mga bubong at mga sasakyan.
Ayon sa mga opisyal, libu-libong galon ng subtance ang ibinagsak nitong nakalipas na linggo para mapigilan na kumalat ang wildfires.
Ang flame retardant ay isang produkto na tinatawag na Phos-Chek, na ibinebenta ng kumpanya na Perimeter.
Ginamit ang nasabing substance para labanan ang mga apoy sa US noon pang 1963, at ito ang pangunaging pangmatagalan na fire retardant na ginamit ng California Department of Forestry at Fire Protection.
Ito rin ang karaniwang ginagamit na fire retardant sa buong mundo.
Ipinaliwanag ng kumpanya na ang kulay ng nasabing substance ay para sa visual aid ng mga piloto at firefirghters.
Naging kontrobersiyal ang paggamit ng nasabing substance sa nakaraan dahil sa potential effects sa environment, kung saan may naghain ng kaso noong 2022 ang Forest Service Employees for Environmental Ethics, isang organisasyon na binubuo ng mga kasalukuyan at dating mga empleyado ng US Forest Service.
Inakusahan nila ang federal agency ng paglabag sa clean water laws ng bansa sa paggamit ng chemical fire retardant mula sa mga eroplano sa mga kagubatan.
Iginiit din nila na pinapatay ng chemical ang mga isda at hindi ito epektibo.
Sinang-ayunan ng US District judge ang mga empleyado, subalit sa kanyang desisyon pinayagan ang Forest Service na ipagpatuloy ang paggamit sa retardant, kailangan lamang na kumuha ng permit mula sa US Environmental Protection Agency (EPA).