
Umabot sa halos P4.7 milyon ang pinsalang naitala sa livestock at poultry sa lalawigan ng Cagayan dulot ng nagdaang bagyong Uwan.
Ayon kay Dr. Noli Buen, Head ng Provincial Veterinary Office, kabilang sa mga apektadong hayop ang baboy, baka, kalabaw, kambing, manok, pato, at iba pa.
Tiniyak ni Dr. Buen na magbibigay ang Provincial Government ng tulong para sa mga magsasaka na naapektuhan ng kalamidad.
Nilinaw din ni Dr. Buen na hindi masyadong makakaapekto ang pinsala sa kabuuang supply ng livestock at poultry sa probinsya sa darating na Disyembre o Pasko na karaniwang may mataas na demand ng produkto.










