TUGUEGARAO CITY-Umaabot sa P2.2 bilyon ang naging pinsala ng El Ñino sa rehiyon sa usapin sa agrikultura ayon sa Department of Agriculture o DA R02.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Narciso Edillo, Executive Director ng DA R02, ito na umano ang pinal na datos ng ahensiy kung saan ang may pinakamalaking pinsala ay ang tanim na mais na umaabot ng P2.1 bilyon.
Ayon kay Edillo, nasa 148, 646 metric tons ang production loss mula sa 78,352 na ektarya ng mais.
Samantala, umaabot naman sa P500,000 ang pinsala sa palay mula sa 31,000 metric tons na production loss mula sa 58,000 na ektarya.
Dagdag pa ng Director na lubhang naapektuhan ang mga corn farmers sa Isabela habang ang mga rice farmers naman dito sa probinsiya ng
Cagayan.
Samantala,sinabi ni Narciso na muling uulitin ang Cloud Seeding Operation kung hindi parin makakaranas ng pag-uulan ang rehiyon.
Kaugnay nito sinabi ni Edillo na pagkatapos ng halalan ay nakatakdang mamigay ng mga buto ng palay at mais sa 120,896 na mga magsasaka na apektado sa tagtuyot.