Halos domoble na ang pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa pinagsamang epekto ng nagdaang mga bagyong Luis at Maymay, at pinaigting na habagat.

Sa pinakabagong datos mula sa Department of Agriculture (DA), pumalo na sa P689.66 million ang halaga ng pinsala ng mga kalamidad sa sektor ng agrickultura sa bansa.

Tumaas pa ito mula sa P347.37 million na iniulat ng ahensiya kahapon.

Bunsod nitio, apektado ang 21,115 magsasaka sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Western Visayas.

Ito ay matapos mapinsala ng mga bagyo ang mahigit 17,000 metrikong tonelada ng farm produce at mahigit 19,000 ektarya ng sakahan.

-- ADVERTISEMENT --

Pangunahing naapektuhang commodities ay bigas, sinundan ng mais, saging, high value crops, livestock at poultry, agricultural infrastructures, machineries at equipment.

Inaasahan naman ng sektor ng pagsasaka na madagdagan pa ito habang nagpapatuloy ang isinasagawang damage assessment at validation sa mga apektadong rehiyon.