Patuloy ang gagawing pagkilos ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide o PISTON upang kondenahin ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuloy ang Public Utility Transport Vehicle Modernization Program.

Sinabi ni Modesto Fronda, chairman ng nasabing grupo na sinimulan na nila ang pagkilos sa harapan ng Land Transportation adn Franchising Regulatory Board o LTFRB at nanawagan sa nasabing ahensiya na pakinggan ang kanilang mga hinaing na ibasura o palawigin ang pagpapatupad sa nasabing programa.

Ayon kay Floranda, kaisa sila sa mga hakbang ng iba pang transport groups na tutol sa nasabing programa tulad ng banta ng MANIBELA na magsagawa ng mga tigil-pasada.

Kasabay nito, sinabi ni Floranda na dismayado sila sa naging pahayag ni Marcos, sa kabila na may ipinasang resolusyon ang 22 Senador na humihiling na malalim na pag-aralan ang nasabing programa.

Ito ay dahil sa marami pa sa mga ito ang hindi pa nakakatugon sa mga itinakdang ruta maging ang mga sumailalim sa consolidation, ang malaking gastusin ng mga tsuper at operator sa pagbili ng mga bagong unit ng mga sasakyan na ipapalit sa traditional jeepney at iba pang hinaing ng transport sector.

-- ADVERTISEMENT --