Kulong ang pitong kataong empleyado ng Peryahan sa bayan dahil sa pagsusugal sa brgy. Calamagui, Amulung Cagayan.
Kinilala ang mga nahuling suspek na sina Juan Reynon Jr.; Annabel Suldann; Arthur Siazon Jr.; Erwin Viel Gregorio; Angela Saldivar ; Beny Castueras, at si Juliet Cauilan.
Sa panayam kay PCAPT Isablelita Gano, tagapagsalita ng Cagayan PNP, agad nirespondehan ng pulisya ang natanggap ang impormasyon kaugnay sa iligal na aktibidad ng mga suspek na nagresulta sa kanilang pagkakahuli.
Nakumpiska sa pag-iingat ng mga ito ang P7,674 cash, pitong piraso ng papelitos na may nakasulat na mga numero, 157 piraso ng blanko na papelitos, 4 piraso ng ballpen, 6 piraso ng calculator, at 2 piraso ng marker.
Sa ngayon ay nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling.