TUGUEGARAO CITY-Nagpapagaling na sa pagamutan ang pitong menor de edad na 11 hanggang 15 taong gulang,pawang mga estudyante na nasugatan matapos bumangga ang kanilang sinakyang pampasaherong jeep sa street light sa Sto.Niño,Cagayan.
Ayon kay Police Capt.Ranulfo Gabatin,hepe ng PNP Sto.Niño,sa kanilang imbestigasyon,nawalan umano ng kontrol sa manebela ang driver na si Noe Ponte,40, hanggang sa bumangga ito sa street light sa Brngy.Tabang.
Sinabi ni Gabatin na overloaded umano ang sasakyan na nasa 30 ang pasahero kung saan nag-top load pa ang iba.
Bukod dito,sinabi ni Gabatin na lasing umano ang driver.
Tumilapon umano ang mga nasa top load na dahilan ng kanilang tinamong injuries.
Kinilala ang mga sugatan na sina Angela Romero,13,Layla Duldulao,11,Dianne Jane Daquioag,13,Wilma Casaguep,13,Abgeline Bacunot,12,Rustom Martinez,15 at Roxanne Capili,13.
Sinabi ni Gabatin na pauwi na sana ang mga pasahero mula sa kanilang paaralan ng mangyari ang aksidente.