Hindi pa rin naglalabas ng opisyal na pahayag ang gobyerno ng Pilipinas sa panibagong marahas na aksyon ng China laban sa ating puwersa sa West Philippine Sea.
Ang pinakahuling insidente ay nangyari umano nitong Lunes lamang, Hunyo 17, 2024, kung saan magsasagawa sana ng rotation at resupply mission.
Pero hinarang sila ng mga tauhan ng China at nauwi sa komprontasyon.
Nagkaroon pa umano ng pisikal na labanan.
Pero dahil sa dami ng mga Tsino, nagawa ng mga ito na masugatan ang mga Pinoy, kung saan mayroon pang naputulan ng daliri.
Habang kinuha ang walong high-powered firearms at nabutas pa ang rigid hull inflatable boat (RHIB).
Maging ang team na nasa BRP Sierra Madre ay labis na nag-alala nang hindi makarating ang resupply mission.
Hindi naman naglabas ng pahayag ang Philippine Coast Guard (PCG) dahil hindi umano sila nagbibigay ng statement para sa anumang aksyon o development mula sa panig ng militar.