Naaresto ng mga awtoridad sa Cagayan ang pitong na wanted persons kabilang ang isa most wantes person sa mga isinagawang operasyon kahapon.
Unang naaresto ang 22-anyos na lalaki sa Barangay Mabini, Baggao, dahil sa kasong panggagahasa.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusasado.
Sumunod na nadakip ang 40-anyos na lalaki mula sa Tuguegarao City, na tinaguriang most wanted dahil sa kasong acts of lasciviousness na may inirekomendang piyansa na P180,000.
Kasama niyang naaresto ang isang 56-anyos na babae na may kasong estafa.
Naaresto naman sa bayan ng Santa Ana ang 48-anyos na lalaki, residente ng Brgy. Centro, dahil sa kasong frustrated homicide.
Anti-Violence Against Women naman ang kaso ng naaresto sa Barangay Alimannao, Peñablanca.
Samantala, dalawang lalaki naman ang nahuli sa Amulung dahil sa kasong qualified trespass to dwelling.