Isang oil tanker na hindi mula Iran ang unang nakatawid sa Strait of Hormuz kahapon matapos ipahayag ang ceasefire o tigil-putukan sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.

Ang barko na tinatawag na MSG, na may bandilang Gabon, ay may kargang humigit-kumulang 7,000 tonelada ng fuel oil mula sa United Arab Emirates.

Papunta ito sa Aegis Pipavav sa India, ayon sa maritime tracking data.

Gayunpaman, ipinapakita ng datos na hindi pa ganap na bumabalik sa normal ang daloy ng mga barko sa nasabing mahalagang daanan ng langis mula nang magsimula ang tigil-putukan.

Dalawang tanker ng Iran at anim na bulk carrier pa lamang ang nakatawid sa strait.

-- ADVERTISEMENT --

Ibig sabihin, nananatiling limitado at maingat ang galaw ng mga barko sa lugar, sa kabila ng kasunduan ng tigil-putukan na inaasahang tatagal ng dalawang linggo, batay sa kasunduan ng US at Iran.

Ang Strait of Hormuz ay isa sa pinakamahalagang ruta ng langis sa mundo.