Nagsimula na kaninang madaling araw (June 24) ang natatanging paghihilera ng mga planetang Mercury, Venus, Mars, Jupiter at Saturn, kasama ang buwan na masisilayan sa kalangitan hanggang Hunyo-28, ngayong 2022.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Romy Ganal ng DOST-PAGASA local, 18-taon ang nakalipas mula nang huli itong naganap noong taong 2004 kaya naman itinuturing itong rare event.
Sinabi ni Ganal na unang magpapakita sa kalangitan ang planetang Jupiter sa ganap na 2:05 ng madaling araw hanggang 12:16 ng tanghali.
Itoy susundan ng pagpapakita ng iba pang planeta tulad ng Mars sa ganap na 12:57 AM hanggang 1:20 AM; ang buwan mula 2:14 AM at lulubog 2:31 PM; Venus sa ganap na 3:16 AM hanggang 4:11 PM.
Muli namang magpapakita sa kalangitan ang planetang Mercury sa ganap 3:57 AM hanggang 4:54 PM.
Masisilayan naman ang tila nakaparadang mga planeta na maliliit at mas maliwanag sa silangang bahagi ng kalangitan mula alas 4:00 hanggang alas 4:45 ng madaling araw o bago ang pagsikat ng haring araw sa pamamagitan ng naked eye o kahit walang telescope.
Ang mga paghilerang ito ay karaniwang nangyayari dahil sa kanya-kanyang orbit ng mga planeta sa Araw at wala namang kinalaman o epekto sa lagay ng panahon dahil magbibigay lamang ito ng magandang tanawin sa kalawakan at magbibigay din ng historical event ngayong taon at muli itong mangyayari sa taong 2040.