
Isang kadete ng Philippine Military Academy ang nagtapos sa Republic of Korea Air Force Academy noong February 25, 2026.
Si Cadet Euniño Joaquin Manuel, 24-anyos ay tubong Cabuyao, Laguna.
Kasapi siya ng PMA “Bagong Sinag” Class of 2024 at ipinadala sa South Korea noong 2022 bilang bahagi ng defense cooperation ng Pilipinas at South Korea.
Natapos ni Cadet Manuel ang kursong Bachelor of Science in Mechanical Engineering at inaasahang iko-komisyon bilang Second Lieutenant ng Philippine Air Force sa kanyang pagbabalik sa bansa.
Habang nasa ROKAFA, ilang ulit siyang kinilala bilang “Strongest Cadet” sa loob ng anim na semestre at nagsilbi ring Athletic Staff Officer ng 2nd Battalion sa Academic Year 2025–2026—patunay ng kanyang husay, disiplina, at liderato sa isang highly competitive international environment.
Para sa PMA, ang pagtatapos ni Cadet Manuel ay konkretong patunay ng kakayahan ng mga Pilipinong kadete na makipagsabayan at magtagumpay sa pandaigdigang antas ng military education at training, at sumasalamin sa patuloy na pagpapalawak ng kooperasyong panseguridad ng Pilipinas sa mga kaalyadong bansa.










