Iniulat ng Kalinga Provincial Health Office na Pneumonia ang pangunahing sanhi ng pagkasawi ng mga tao sa probinsiya ng Kalinga noong 2023 at sa unang quarter ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Dr.Edward Tandingan head ng Kalinga PHO na walo mula sa sampung pangunahing dahilan ng pagkasawi ng isang tao sa nasabing probinsya ay dahil sa mga non communicable diseases.
Aniya umabot sa 134 ang naitalang nasawi dahil sa Pneumonia noong nakaraang taon kung saan isa sa dahilan nito ay ang paninigarilyo.
Ilan pa sa mga nangungunang sanhi ng kamatayan ay sa Kalinga noong 2023 ay ang cerebro mascular accidental stroke na sinundan ng cancer, accute respiratory failure, sakit sa puso at marami pang iba.
Ibinahagi rin na Tandingan na 13.6 percent na ang lahat ng mga pagkasawi ay may kaugnayan sa paninigarilyo habang 74.4 percent naman sa non communicable diseases, 18% naman ay mula sa communicable diseases at 7.6% naman ay sanhi ng mga aksidente.
Ayon sa talaan ng PHO sa unang quarter ng kasalukuyang taon ay 29% naman dahil sa Phneumonia at 26% dahil sa chronic kidney disease.
Batay sa survey ay 35.1% ng mga kalalakihan at 7.7% na mga kababaihan ang kasalukuyang naninigarilyo kung saan ilan dito ay nagsimulang manigarilyo noong labing apat hanggang labing limang taong gulang pa lamang.