Nanatiling kontrolado at pangkalahatang mapayapa ang kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM, sa kabila ng ilang insidente ng pagsabog at pamamaril, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Allen Rae Co, tatlong shooting incident ang naitala sa Basilan, Cotabato City at Maguindanao del Sur, habang tatlong pagsabog at isang improvised explosive device o IED ang naiulat sa Cotabato City at Basilan.

Sa Cotabato City, tatlong katao ang nasawi at 15 ang nasugatan sa pamamaril sa labas ng isang paaralan.

Samantala, nasa 98.14% ng polling precincts ang nagsimula nang tumanggap ng mga boto, habang 22 precincts sa Basilan ang hindi pa nakapagsisimula ng botohan.

Naka-Comelec control ang Maluso, Basilan at Cotabato City, kung saan nagdagdag ng seguridad ang PNP, AFP at Philippine Coast Guard.

-- ADVERTISEMENT --