Inanunsiyo ng Philippine National Police (PNP) ang pagsisimula ng recruitment processing para sa Calendar Year 2025 Attrition.

Ito ay bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang police force at panatilihin ang manpower development.

May inilaan na kabuuang 5,639 slots sa 17 na Police Regional Offices sa buong bansa.

Bilang karagdagan, nabigyan din ang maraming National Support Units (NSUs) ng kabuuang 900 recruitment qoutas, kabilang ang Anti-Kidnapping Group (75), Criminal Investigation and Detection Group (75), PNP Drug Enforcement Group (225), Explosive Ordnance Disposal and Canine Group (95), Integrity Monitoring Enforcement Group (75), Communications and Electronics Service (85), Headquarters Support Service (200), at the Special Action Force (70).

Iginiit ni acting Chief PNP, PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., na ang recruitment ay bahagi ng nagpapatuloy na pagsisikap ng PNP na matiyak ang responsive at professional police service para sa mamamayang Pilipino.

-- ADVERTISEMENT --

Hinihikayat din ni Nartatez ang mga makabayan at tapat sa pagseserbisyo na nagnanais na maging pulis na pumasok sa PNP.

Ipinaalala din niya na ang recruitment process ay libre, kasabay ng babala sa mga taong magtatangka na mangikil o mag-alok ng tulong kapalit ng pagpasok sa PNP.