Dinagdagan pa ng Philippine National Police (PNP) ang inirekomendang kaso laban sa mga nasa likod ng pagkasawi ng dalawang atleta ng Ateneo De Manila University.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kanilang idinagdag ang kasong homicide laban kay coach Tab Baldwin at Reckless Imprudence Resulting to Multiple Homicide laban sa walong iba pa.

Ang nasabing kaso ay bukod pa sa unang inirekomenda nila noong nakaraang linggo na paglabag sa anti-hazing law laban kay Baldwin at 10 iba pa.

Ipapaubaya na lamang ng CIDG sa Department of Justice (DOJ) ang evaluation sa mga inirekomenda nilang mga kaso.

Tiniyak naman ni PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr sa kaanak ng mga biktima na makakamit nila ang hustisya.

-- ADVERTISEMENT --