TUGUEGARAO CITY-Nanindigan ang PNP-Enrile na lehitimo ang kanilang isinagawang buy-bust operation sa Brgy Roma sur, Enrile na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang lalaki.

Pahayag ito ni Police Major Lorvinn Layugan ng Pnp-Enrile matapos iginiit ng suspek na si Richard Sarmiento ,37-anyos residente ng Brgy Roma Norte maging ang pamilya nito na hindi ito nasasangkot sa kalakaran ng illegal na droga.

Ayon kay Layugan, dumaan sa masusing proseso ang naturang operasyon bago ito isinagawa at sa katunayan aniya, isang buwan nila itong minamanan.

Dagdag pa ni Layugan,batay sakanilang imbestigasyon, kinukuha umano ng suspek ang mga illegal na droga sa lungsod ng Tabuk, Kalinga at ito’y ibinebenta sa bayan ng Enrile , solana at maging dito sa lungsod ng Tuguegarao city.

Bukod dito, sinabi ni Layugan na inaalam na ng kanilang hanay kung totoo ang impormasyon na sangkot din ang suspek sa pagnanakaw ng kalabaw at baka sa kanilang lugar.

-- ADVERTISEMENT --