Iginiit ng Philippine National Police na hindi sila aalis sa compound ng Kingdom of Jesus Christ sa davao City hanggang hindi naaaresto si Pastot Apollo Quiboloy.

Ito ang binigyang-diin ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo.

Buhat nitong araw ng Sabado, nasa 2,000 na mga pulis ang sinalakay ang 30-hectare KOJC compound.

Una rito, sinabi ni Fajardo na malapit nang mahanap ng mga pulis ang entrance ng bunker ng nasabing compound.

Naniniwala ang PNP na nagtatago sa loob ng compound si Quiboloy.

-- ADVERTISEMENT --