Aminado ang Philippine National Police na nahihirapan sila na maghanap sa eksaktong lokasyon ng underground facility na may natukoy na human life.

Nasa pang-11 na ang PNP sa paghahanap kay Apollo Quiboloy sa compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City.

Nauna nang sinabi ng PNP na ang naturang pasilidad ay gawa sa makakapal na bato at makakapal na metal o bakal.

Sa ngayon, halos 50% pa rin ang nahahalughog ng PNP na lugar sa compound.

Sa kabila nito, iginiit ni Fajardo, na naniniwala pa rin silang nasa loob lamang ng KOJC compound si Quiboloy at iba pang kapwa akusado nitosa kasong chiled abuse at human trafficking.

-- ADVERTISEMENT --