Kinumpirma ng Philippine National Police na nahuli na si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon sa PNP, nahuli si Guo kagabi sa isang hotel sa Tangerang City, Jakarta, Indonesia.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan ang PNP sa mga awtoridad ng Indonesia para mapabalik sa Pilipinas si Guo para karapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya.