Mananatiling nakaalerto ang pulisya laban sa posibleng pag-atake ng New Peoples Army (NPA) sa buong rehiyon dos.

Sinabi ni Police Lt. Col. Chevalier iringan, tagapagsalita ng Police Regional Office II na nasa heightened alert status pa rin ang hanay ng pulisya kahit natapos na ang anibersaryo ng NPA.

Nangangahulugan itong kanselado ang bakasyon ng mga pulis.

Partikular na pinapaalerto ang mga PNP stations lalo na sa mga malalayong lugar na magkaroon ng pro-active measures kontra sa pagsalakay ng mga rebeldeng NPA.