
Humiling ang pamahalaan sa Meta Platforms, Inc. na mas paigtingin ang mga hakbang laban sa pagkalat ng disinformation online kaugnay ng umiiral na krisis sa langis sa bansa.
Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda at Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez, ang pagdami ng maling impormasyon tungkol sa presyo ng petrolyo, suplay ng langis, at mga aksyon ng gobyerno ay nakaaapekto sa tiwala ng publiko at maaaring magdulot ng panganib sa katatagan ng ekonomiya at kaayusan.
Dahil dito, umapela ang pamahalaan na mas higpitan ang pagtukoy at agarang pagtanggal ng mga mapanlinlang na content, paglalagay ng 24/7 contact mechanism, at malinaw na oras ng pagresponde sa mga ulat ng pekeng impormasyon.
Inaatasan ang Meta na magbigay ng kumpirmasyon sa loob ng apatnapu’t walong oras at magsumite ng detailed compliance plan sa loob ng pitong araw.










