Naglagay ng karagdagang pwersa ang Philippine National Police (PNP) sa labas ng Senado kasunod ng inaaasahang pagdagsa ng magkikilos protesta dahil na rin sa muling paginit ng tensyon.

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na ang deployment ng pulisya ay nakatuon lamang sa labas na bahagi ng Senado at ito ay para mapanatili ang kaayusan ng publiko sa gitna ng panawagan para sa isang vigil.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., mananatili sa labas ng complex ang mga tauhan ng PNP para ma-monitor ang mga magkikilos-protesta at bilang respeto na rin sa internal protocol ng sariling security force ng Senado.

Hinimok ni Nartatez ang lahat ng grupo , mapasupporters o kritiko na panatilihin ang pagiging mahinahon, lubos na pagpipigil at pagrespeto sa batas.

Nanawagan din ito sa publiko na ang mga pulis sa nasabing lugar ay hindi para pigilan ang kanilang mga panawagan kundi para magarantiya ang kapayapaan at seguridad habang sinasagawa ang nasabing pagtitipon.

-- ADVERTISEMENT --