Nagtalaga ang Philippine National Police (PNP)ng 25 na police personnel sa Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) na itinalaga na bantayan si Vice President Sara Duterte sa gitna ng posibleng pagtanggal ng military mula sa unit.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, na hiniling ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magtalaga ng mga pulis para sa seguridad ni Duterte.

Ayon kay Fajardo, posibleng ito ay bunsod ng posibleng pagtanggal sa ilang AFP personnel na nakatalaga sa VPSPG bilang resulta nang nangyari noong Sabado.

Sinabi ni Fajardo na ipinadala ang 25 pulis sa VPSPG kahapon.