Naniniwala ang Philippine National Police na malapit na nilang mahanap ang underground bunker na pinaniniwalaang nagtatago si Pastor Apollo Quiboloy sa Kingdom of Jesus Christ compound sa Buhangin District, Davao City.

Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na may natukoy na “signs of life” ang ground-penetrating ground sa underground area na 20-30 meters.

Ayon naman kay Davao Police Regional Office director Brig. Gen. Nicolas Torre III, naniniwala siya na nagtatago sa KOJC compound si Quiboloy.

Si Quiboloy at limang iba pa ay nahaharap sa kasong child abuse sa Davao City.

Mayroon din siyang standing warrant of arrests dahil sa human trafficking na inilabas ng Pasig City court.

-- ADVERTISEMENT --