TUGUEGARAO CITY- Ipinagmalaki ni Pol.Brigadier General Jose Mario Espino, director ng PNP Region 2 ang pagbaba ng krimen sa rehion sa loob ng tatlong taon.

Sinabi ni Espino na mula July 15 2015 hanggang July 2017 ay naitala ang 16, 915 na krimen, habang noong July 2017 hanggang July 2018 ay 13, 026 at July 2018 hanggang August 2019 ay 9, 062.

Ayon kay Espino, ito nagpapakita lamang na tagumpay ang kanilang mga kampanya laban sa krimen lalo na sa illegal drugs.

Sa katunayan, umabot sa 10, 285 ang mga sumukong sangkot sa iligal na droga na kanilang tinutulungan upang hindi na umano bumalik sa dating iligal na gawain.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, pinuri naman ni PltGen. Fernando Mendez, deputy chief ng PNP na malaki ang naging ambag ng PNP Region 2 sa anti-cirminality campaign ng PNP.

Gayonman, hinihikayat pa rin niya ang mga pulis ng rehion na pagigtingin pa ang kanilang trabaho upang mas lalo pang malabanan ang lahat ng krimen.

Samantala, sinabi ni Mendez na ang focus ng PNP ay ang kampanya laban sa illegal drugs, tapusin ang armed conflict sa rebeldeng grupo at ang paglilinis sa kanilang hanay laban sa mga tiwaling mga pulis.

ang tinig ni Mendez