TUGUEGARAO CITY- Handa umano ang Provincial Natural Resources and Environment Office o PNREO na suspindihin ang ilang quarry operations sa ilog Cagayan na may mga isdang ludong.

Subalit, sinabi ni Edwin Buendia, quarry chief ng PNREO na kailangan na tukuyin ng mga kinauukulang ahensiya at mga environmental advocates ang mga lugar kung saan may mga ludong.

Ayon sa kanya, hindi naman nila basta basta ipatidil ang isang quarry operation kung wala namang tinukoy na eksaktong lugar na may mga ludong dahil masyadong malaki ang ilog Cagayan.

Idinagdag pa ni Buendia na maaaring makakatulong pa nga ang quarrying sa mga isda dahil sa lalalim na ang ilog.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Buendia

Tugon ito ni Buendia sa kahilingan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at environmental advocates na ipatigil muna ang quaryying sa bahagi ng ilog na dinadaanan ng mga ludong na papunta sa dagat para mangitlog ngayong panahon ng kanilang breeding season.

Bukod dito, sinabi ng BFAR na dapat na wala na ring quarrying sa mga ilog na may ludong na itinuturing na pinakamahal na isda sa ating bansa.

Ipinapatupad ng close fishing season sa ludong mula October 1 hanggang November 15 sa Region 2.