Kumbuinsido si House Speaker Martin Romualdez na namayagpag ang industriya ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO
sa bansa noong panahon ng administrasyong Duterte.
Ayon sa kanya, nagpasa ng batas ang Kongreso para sa regulasyon ng operasyon ng Pogo sa bansa para sa koleksiyon ng buwis ngunit lalong dumami ang mga ito nitong Duterte administration at ginamit na front ang mga ito para sa mga iligal na aktibidad.
Kasabay nito, tiniyak ni Romualdez na pananagutin sa batas ang mga sangkot sa iligal na aktibidad na iniuugnay sa Pogo.
Una rito, pinangunahan ni Romualdez ang ocular inspection sa mga Pogo hub sa Tarlac at Pampanga at ikinagulat ang mga nakita sa mga ito na sangkot ang mga nagpapatakbo sa mga ito sa scam farms, love scams, human trafficking, prostitusyon at pronography
Binigyang-diin pa niya na kailangan ang whole-of-government approach kasabay ng koordinasyon sa pagitan ng mga komite sa Kamara at iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa komprehensibong pag-iimbestiga.