Naglabas ng pahayag ang police regional office 2 bilang suporta sa isinagawang operasyon ng kapulisan sa rehiyon 11 sa layuning mahuli ang nagtatagong si pastor apollo quiboloy.
Sa inisyung pahayag ng pro 2 sa liderato ni police big gen. CHRISTOPHER BIRUNG, nakikiisa ang kapulisan sa rehiyon sap np region 11 sa kanilang legal na pagpapatupad ng mga operasyon na naglalayong magsilbi ng warrant of arrest laban kay Pastor Quiboloy at sa kanyang kapwa akusado sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City nitong sabado.
Ayon sap np region 2 na ang operasyong ito ng pulisya ay isang patunay sa hindi natitinag na pangako ng Philippine national police sa pagtataguyod ng rule of law at pagtiyak na mananaig ang hustisya.
Naniniwala ang valley cops na ang aksiyon ng police regional 11 ay bilang pagtalima s autos ng judicial authorities at wala itong nakatagong motibo, personal na agenda o impluwensiya sa paggampan ng kanilang tungkulin.
Binigyang diin sa pahayag na alinsunod sa mandato ng pnp, tinitiyak ng kapulisan sa publiko na ang bawat operasyon na isinasagawa ay para sa interes ng pagtataguyod ng batas at pagtiyak ng kapayapaan at seguridad.
Ang PNP ay nananatiling nakatuon sa pagsasagawa ng mga tungkulin nito nang may integridad, propesyonalismo, at walang kinikilingan sang-ayon sa sinumpaang tungkulin na paglingkuran at protektahan ang komunidad.
Nilinaw ng kapulisan na ang kanilang aksiyon ay hindi dahil sa dikta ng mga pulitiko bagkus ito ay dahil sa kanilang commitment at dedikasyon sa integridad ng kanilang trabaho.
Hinihimok ang publiko na magtiwala sa proseso at magkaroon ng kumpiyansa na ang PNP ay nananatiling matatag sa pagpapasya nitong itaguyod ang batas para sa higit na kabutihan ng lipunan.
Bilang Regional Director ng pnp region 2, hinikayat ni gen birung ang lahat na suportahan at makipagtulungan sa PNP sa pagtupad nila sa kanilang mandato na paglingkuran at protektahan ang ang bansa.
Matatandaan na nilabasan ng arrest warrant si Quiboloy at lima pang KOJC members dahil sa mga kasong child abuse at human trafficking.