Kasalukuyan na ang pagbuo ng Department of Health, Department of Justice, Department of Interior and Local Government at kanilang attached agencies ng policy framework para sa pagpapatupad ng nilagdaan na joint administrative order (JAO) nitong araw ng Lunes para sa pagtiyak sa pangangalaga at pagtiyak ng kalusugan ng mga persons deprived of liberty sa lahat ng jail facilities sa bansa.
Sinabi ni Dr. Glenn Mathew Baggap, underscretary ng DOH, ang JAO ay nagtatakda ng National Policy on Promotion and Protection of Health in Jails, Prisons, Custodial Facilities, and Other Places of Detention.
Ayon kay Baggao, tinitiyak sa JAO na mabibigyan ng atensiyon ang kalusugan ng mga PDLs sa pamamagitan ng paglalagay ng mga health workers at pagkakaroon ng primary healthcare facility sa detention facilities sa buong bansa.
Sinabi pa ni Baggao na salig din sa JAO ang awtomatikong pagkakasama ng mga PDL sa National Health Insurance Program at kuwalipikado rin sila sa PHILHEALTH package alinsunod sa Universal Health Care Act ng gobyerno.