TUGUEGARAO CITY-Hinimok ng Commission on Population and Development (POPCOM)-region 2 ang mga mag-asawa na sundin ang tatlo hanggang limang taon na pagitan bago sundan ang anak.
Ayon kay Herita Macarubbo, Regional Director ng PopCom-Region 2, ito ay para mabigyan ng sapat na atensyon ang mga anak at muling makapag-ipon bago sundan ang anak.
Aniya, napakahalaga ang paggamit ng Family Planning para sa magandang kinabukasan ng mga anak at para mabigyan ng maayos na pamumuhay ang pamilya.
Una rito ay nagsagawa ng national program on population and family planning ang nasabing ahensiya nitong nakalipas na araw kung saan dinaluhan ng mga Local Government Unit(LGUs), iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno at iba pang mga stakeholders.
Sinabi ni Macarubbo na napakahalaga ang pakikiisa ng mga stakeholders sa nasabing programa na silang nagbibigay ng impormasyon sa mga mamamayan sa nasasakupang lugar.