Tinapos na ni Pope Francis ang kanyang pagbisita sa Indonesia ngayong araw na ito matapos ang misa na dinaluhan ng 100,000 na katao, ang huling celebration nito bago ang kanyang pagpunta naman sa Papua New Guinea para sa ikalawang yugto ng kanyang 11-day journey sa Southeast Asia at Oceania.

Walang official ngayong araw na ito ang 87 anyos na papa maliban lamang sa farewell ceremony at anim na oras na flight sa Port Moresby, na nagbigay sa kanya ng pahinga matapos ang tatlong araw na programa sa Jakarta.

Nagsimula ang pagbisita ng Santo Papa sa isang misa kahapon ng hapon na dinaluhan ng libu-libong katao.

Sa kanyang mensahe sa Indonesia, hinikayat ni Pope Francis ang 8.9 million Catholics, na binubuo ng 3 percent lamang ng papulasyon ng bansa na 275 milliom, kasabay ng paghikayat na palakasin ang interfaith ties sa bansa na ipinagmamalaki na may pinakamalaking Muslim population.

Ang highlight sa pagbisita, lumagda sina Pope Francis at grand imam ng Istiqlal Mosque, ang pinakamalaki sa Southeast Asia ng deklarasyon na nangangako na magtulungan para wakasan ang mga karahasan na may kaugnayan sa relihiyon at protektahan ang kalikasan.

-- ADVERTISEMENT --

Ang agenda naman ng Santo Papa sa Papua New Guinea ay may kaugnayan sa kanyang social justice priorities.

Ang nasabing bansa ay itinuturing na mahirap.

Bibiyahe din si Pope Francis sa liblib na lugar ng Vanimo upang kumustahin ang ilang Catholic missionaries mula sa kanyang native Argentina na nagsusumikap na ipalaganap ang Catholic faith sa mga katutubo na gumagawa pa rin ng paganism at indigenous traditions.