Bago naging Santo Papa, ang unang U.S.-born pope ay hindi nahiya na batikusin si President Donald Trump at Vice President JD Vance sa social media.
Si Pope Leo XIV, na pinili ng cardinals na papalit kay Pope Francis ay mga post sa X account ni Robert Prevost na hindi sang-ayon sa policies ng Republican leaders bago siya nagsimula sa pagiging pope.
Nakakuha naman ang mga nasabing posts ng mga batikos kahapon mula sa died-hard conservative supporters ni Trump, kabilang si activist Laura Loomer, kahit pa nagpahayag ng kagalakan si Trump na isang American ang mamumuno sa ngayon sa Vatican.
Hindi naman nag-komento ang mga opisyal ng White House sa mga batikos sa account ni Prevost, at nagdiwang pa nga sila sa pagkakapili sa isang American.
Noong Pebrero, muling ipinost ni Prevost ang article na may pamagat na “JD Vance is wrong: Jesus doesn’t ask us to rank our love for others.”
Noong Abril, nang magkaroon ng pulong si Trump kay El Salvador President Nayib Bukele para talakayin ang paggamit ng kulungan kung saan nangyari umano ang mga pang-aabuso sa karapatang pantao para doon ikulong ang mga pinaghihinalaang gang members na mula sa U.S., nire-post ni Prevost ang kanyang comment na:
“Do you not see the suffering? Is your conscience not disturbed?”
Kaugnay nito, inaasahan na susundan ni Pope Leo ang yapak ni Francis, ang pagtulong at pagkalinga sa mga mahihirap at immigrants, na nagkaroon din ng hindi pagkakaunawaan sa Trump Administration.
Inayos ni Vance ang nasabing hindi pagkakaunawaan nang magpulong sila ni Francis sa Vatican, isang araw bago siya bawian ng buhay.
Tinawag ni Francis ang immigration policies ni Trump na isang kahihiyan.
Hindi naman natuwa ang mga supporters ni Trump sa pagkakapili ni Leo bilang bagong Santo Papa.
May mga nagsabi na siya ay anti-Trump, anti-MAGA, pro-open borders, at isa umanong Marxist tulad ni Pope Francis.