
Nanawagan si Pope Leo sa international community na kumilos upang makatulong na mapigil ang patuloy na pagkalat ng Ebola sa Democratic Republic of the Congo (DR Congo), na naiulat nang kumitil ng mahigit 2,500 buhay.
Sa kanyang mensahe sa mga debotong dumalo sa kanyang weekly Sunday prayer sa Saint Peter’s Square, hinimok ng Santo Papa ang pandaigdigang komunidad na suportahan ang mga hakbang sa pagpigil sa pagkalat ng sakit.
Binigyang-diin ni Pope Leo ang kahalagahan ng pagsasama sa mga lokal na komunidad sa mga prevention efforts upang mas maraming buhay ang mailigtas.
Ayon sa United Nations officials, mabilis na kumalat ang outbreak sa malawak na bahagi ng central African country, na nagresulta sa patuloy na pagtaas ng mga kaso at pagkamatay.
Ito na ang ika-17 Ebola outbreak sa DR Congo at noong huling bahagi ng Hulyo ay nalampasan nito ang dating record sa dami ng kumpirmadong kaso na naitala noong 2018 hanggang 2020.










