Ikinalugod ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang patunay ng lumalawak na pandaigdigang suporta sa posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) sa gitna ng agresibong aksyon ng China.

Mensahe ito ni Romualdez kaakibat ang papuri sa pagkilala ng Google Maps na ang Pilipinas ang may hurisdiksyon sa West Philippine Sea.

Binigyang-diin ni Romualdez na ang pagkilalang ito ay hindi lamang teknikal o kartograpikong pagwawasto kundi isang makasaysayang tagumpay ng ating bansa sa larangan ng geopolitics.

Dagdag pa ni Romualdez, ang hakbang ng Google Maps ay isang malaking suporta sa matagal nang paninindigan ng Pilipinas alinsunod sa Arbitral ruling noong 2016 na kumikilala sa ating legal na karapatan sa WPS sa ilalim ng international law.