Tuguegarao City- Fully restored na ang power transmission service sa mga probinsyang sakop ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) North Luzon.
Sa panayam kay Marilou Refuerzo, Regional Communication and Public Affairs Officer, sakop nito ang tatlong probinsya partikular sa Cagayan, Kalinga at Apayao.
Aniya, nasuri na ng mga engineers at mga lineman ang mga line segment ng Tuguegarao- Solana- Tabuk kasama na ang Tuguegarao-Magapit-Camalaniugan- Sta. Ana line.
Sinabi niya na wala namang mga major damages ang naitala maliban lamang sa mga inayos na tumabinging poste ng kuryente.
Paliwanag nito, isa sa naging dahilan ng power interruption ay ang malawakang pagbaha.
Sa ngayon ay nasa pangangasiwa na ng mga electric cooperatives ang pagbabalik ng supply ng kuryente sa kanilang sakop na mga lugar kung saan nakadepende rin ang mga ito sa lebel ng tubig baha.