Hinamon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Chinese Premier Li Qiang tungkol sa kamakailan lang na mga insidente sa West Philippine Sea na harrassment ng mga barko ng China sa regional summit, dahil sa pangamba ng sisiklab ang labanan sa pinag-aagawang teritoryo.

Nakipagpulong si Li sa mga lider ng 10-member Association of Southeast Asian Nations (Asean) sa kanilang pulong sa Lao matapos ang talakayan kahapon sa nagaganap na civil war sa Myanmar.

Matatandaan na nitong mga nakalipas na buwan ay nagkaroon ng marahas na engkuwentro sa pagitan ng mga barko ng China at Pilipinas sa katubigan sa palibot ng pinag-aagawang reefs at mga isla sa WPS.

Inihayag ni Marcos ang nasabing issue sa kanyang pulong kay Li, kung saan ipinunto niya na hindi maaaring maghiwalay ang economic cooperation mula sa political security.

Ang focus ng Li summit ay sa trade, at ito ay kasabay ng pulong ng opisyal kay Australian Prime Minister Anthony Albanese kung saan sinabi na pumayag ang China na tanggalin ang sanctions sa mayaman na lobster industry.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit, sinabi ni Marcos sa pulong na hindi puwedeng magkunwari ang Asean at China na lahat ay maayos sa economic front habang may mga tensiyon sa political front.

Sinabi din ni Marcos na kailangan na bilisan ng dalawang panig ang pag-uusap sa code of conduct sa katubigan.

Inaangkin ng China ang halos buong South China Sea, na mahalaga sa kalakaran.

Subalit, maraming Asean members- ang Pilipinas, Malaysia, Vietnam, Indonesia at Brunei ay inaangkin din ang ilang maliliit na isla at reefs sa nasabing katubigan.