Nananatili pa rin ang presensya ng mga barko ng China sa mga isla ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sa datus ng AFP mula June 1 hanggang June 30, namonitor ang 49 na mga barko ng Chinese Coast Guard at People Liberation Army Navy Vessels sa Bajo de Masinloc, Ayungin Shoal, at Pag-Asa Island.
Sa 1st semester monitoring naman ng AFP, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Padilla na umabot sa na 15, 305 na foreign at domestic vessels ang kanilang na-monitor sa West Philippine Sea.
Sa kabila nito, tiniyak ni Padilla na nananatiling committed ang AFP sa pagprotekta ng teritoryo ng bansa.