Tugeuagarao City- Agad inaksyunan ng Department of Agriculture (DA) Region 2 ang nakitang presensya ng Fall Army Worm sa mga palayan sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.

Sa panayam kay Minda Flor Aquino, Chief ng Regional Crop Pest Management Center ng ahensya, nakita ang presensya ng mga peste sa ilang ektarya ng palay sa Brgy Pateng na agad namang iparating ng Local Government Unit.

Bahagi ng kanilang hakbang ay nagpadala na aniya sila ng mga sample specimen sa tanggapan ng Bureau of Plant Industry upang mapag-aralan ang mga ito.

Sinabi niya na ang mga naapektohan ng fall army worms ay ang mga nasa seedbed stage o punla pa lamang na maari pang maisalba.

Nagbigay na rin aniya ang DA ng technical briefing sa mga magsasaka kasabay ng pamamahagi ng insecticides upang maiwasan ang pagdami ng Fall Army Worm.

-- ADVERTISEMENT --

Isa sa nakikitang sanhi ng pagkakaroon ng nasabing peste sa palayan ay ang maaring paglipat ng mga ito mula sa maisan at iba pang agricultural crops.

Tinatayang nasa mahigit apat na ektarya ng mga punla ang ang naapektohan ng fall army worm mula sa 117 hectares ng rice area sa nasabing Brgy.

tinig ni Aquino