Inaasahan na bababa ang presyo ng bigas sa susunod na buwan sa P7 per kilo matapos na ibaba ng pamahalaan ang duties sa imported rice.

Ayon kay Arnel de Mesa, assistant secretary ng Department of Agriculture, mararamdaman ng mga mamimili ang price reduction sa unang linggo ng Agosto.

Sinabi niya na hindi kalakihan ang dumating na imported rice sa bansa, subalit ngayong buwan ay nailabas na at nakarating na sa mga palengke ang ilang inangkat na bigas.

Ang presyo ng locally produced regular milled rice ay mula P40 hanggang P49 per kilo.

Ang imported regular milled rice ay ibinebenta mula P47 hanggang P49 per kilo, subalit hindi available ito nitong nakalipas na taon.

-- ADVERTISEMENT --

Naglalaro naman sa P51 hanggang P55 per kilo ang imported well-milled rice.

Samantala, sinabi ni De Mesa na target nilang palawakin ang saklaw ng kanilang programa na “Program 29” na naglalayong magbenta ng subsidized rice sa Nobyembre ngayong taon.