
Inaasahan ng Department of Energy (DOE) na tataas ang presyo ng diesel at kerosene sa susunod na linggo batay sa paunang pagtataya ng ahensya.Station rate card
Ayon sa datos mula sa unang apat na araw ng trading, posibleng tumaas ang diesel ng P0.80 kada litro at kerosene ng P0.45 kada litro, habang ang gasolina naman ay maaaring bahagyang bumaba ng P0.05 ang kada litro.
Binanggit ng DOE na paunang pagtataya pa lamang ito at hindi pa kasama ang iba pang gastos at premiums ng mga oil company.
Dagdag ng ahensya na ang mga world tensions at pagbabago sa demand, partikular mula sa US, EU, at China, ay patuloy na nakakaapekto sa presyo ng krudo at posibleng sa presyo sa mga konsumer.







